BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Monday, November 29, 2010

Ang aking El Filibusterismo na kwaderno

          Nawawala ang aking kwaderno. Nalaman ko nalang na nawawala iyon nung biyernes. Hindi ko alam kung bakit nawawala pero nakaasar lang naman kasi. Ang pagkakaalam ko ay binalik ko kaagad sa aking locker yung kwaderno pagkatapos nung asignatura na iyon. Pero para sa kaalaman ng lahat, hindi ko sinasara o nila-lock yung locker ko kundi nila-lock ko siya pagkatapos ng buong klase. Kapag uwian na. 


          Hindi ko na talaga alam ang buong pangyayari. Kaya ngayon, hindi nalang ako maghihintay o aasa pa na maibabalik iyon sakin dahil ako rin lang ang malulugi sa huli. Kaya, uulitin ko nalang simula't simula. Mula sa unang kabanata hanggang sa huli dahil alam kong isa sa mga requirements itong kwaderno para mapirmahan ang aking clearance. Kung sino man ang kumuha ng aking kwaderno o kung sino man ang nakakita, please, ibalik niyo naman sakin. Wag niyo naman pag-piyestahan yung kwaderno ko. Kokopya ng mga buod at talasalitaan dahil alam kong gawain yan ng iba.


          Hindi ako nagagalit pero ganito ako kapag naasar. Mahirap mag-tagalog sa blog! hahaha :)) Pero dahil tungkol sa Filipino ang aking blog kaya tagalog ang aking ginamit :)


"Minsan lang ako magsalita, pero tagos!" ;p



1 comments:

Anonymous said...

The infamous bottom-line "Minsan lang ako magsalita, pero tagos!" ;p